Phil ilalampaso si Chairman BF sa Celebrity Duets
Palaban pala talaga itong si Phil Younghusband.
Kasi, he plans to stay in the Celebrity Duets up to the very end at handa siyang kalabanin si MMDA Chairman Bayani Fernando for the title.
Hindi raw siya sasali sa isang contest kung magiging second placer lang siya. He is here to win!
Sa totoo lang gumagastos ang manager ni-yang si Joyce Ramirez ng P150,000 a week para lang sa text votes niya.
At nagbitiw na rin ng pledge si Dr. Vicki Belo, pagpapakitang suportado si Phil ng buong Belo Medical Group. Sa katu-nayan, pati si Hayden Kho ay sinusuportahan siya nang husto.
Si Hayden ang ka-duet niya last Saturday. Kinanta nila ang You’ve Lost That Love and Feeling. Bale si Hayden ang counterpart niya sa Season 1 ng Celebrity Duets na hunky-hunky ang dating. Naghubad din noon ng shirt si Hayden sa show to the delight of the female televiewers.
Sa lahat ng girls, gays at matrons na fans ni Phil, wait lang kayo dahil mala-pit nang ilabas ang sexy underwear billboard niya for Hanford. Nakatak-dang talbugan niya ang sexy underwear billboards ni Dingdong Dantes for Bench.
Wish lang namin sana bigyan din siya ng bonggang launching ng Hanford tulad ng ginawa ng Bench kay Dingdong. By the way, gusto nang patayin ni Phil ang isyu tungkol sa kanila ni Rhian Ramos dahil hindi naman daw nakatutulong ang young actress sa ca-reer niya. And definitely hindi raw niya ginagamit si Rhian. Kung nabanggit man daw ng aktres na hindi siya type nito dahil ayaw sa mga mestizo, the feeling is definitely mutual because he goes for big boobs naman.
Attracted si Phil kina KC Concepcion and Anne Curtis who are both three years older than him. Pero hangggang crush lang daw ang na-raramdaman niya sa mga ito dahil alam naman niya na pareho nang ‘taken’ ang dalawang magagandang aktres.
Aminado siya na he’s ‘open to a lot of things even to gay and matron admirers for as long as they text vote for him sa Celebrity Duets.
Just text Phil and send it to 367 for Smart and TNT or 2344 for Globe, TM and Sun!
Mga etiketa: phil younghusband
1 Mga Komento:
Go go Phil!
Mag-post ng isang Komento
Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]
<< Home